$BlogRSDUrl$>
Per Ardua Ad AstraGrabe teka ang sakit ng tiyan ko! Ano ba yan ang dami ko kasing nakain ngayon araw. Kanina eh nagising ako ng alas ocho ng umaga. Ulupong na nga sa ulupong! Siguro limang oras lang tulog ko. Kinailangan ko nga lang pilitin, kasi naman, may kikitain pa akong kaibigan kong magdedebut. Ibibigay daw niya mga imbitasiyon niya sa akin ng alas nueve sa Starbucks sa Katipunan. Naisipan kong sumabay na sa tatay ko palabas. Di man lang ako nagshampoo. Sabagay, sa Starbucks lang naman (kung saan nandiyan ang mga conformists feeling gwapos all around nagyoyosi ever, button down shirt, nicely pressed pants, at kung hindi itim na leather shoes eh bowling shoes na parang sa Diesel galing eh sa greenhills talaga kamo, hanep). Ang nangyari, wala pa pala yung kaibigan ko. So, nagpunta muna akong Miriam. (Diyan ako nagtapos ng hayskul, sa mga hindi nakakaalam). Kinausap ko ulit si Manang Guard. Mabait pa rin siya. Kinuwento ko na sa Tate na ako magccollege. Nakup.
Pumunta ako sa admin building. Hanep talagang eskwelahan yan. Kahit kelan, eh iisa pa rin ang nagtatrabaho sa likod ng Administrative Office. And take note, mas mabagal pa siya kumilos kesa sa suso. Nakatayo ako don, nakapamewang sa sobrang inip ko. At least, nakita ko ang dati kong guro sa THE (Home Economics yan, nakalimutan ko na yung T, Technology ata). Ayon, nagkwentuhan kami. Sulatan ko daw siya. Pagkatapos ng sampung taon eh nakuha ko na sa wakas ang transcript na pinagpilahan ko at binayaran ng P60. (Galing talaga ng mga mautak nato!) Binuksan ko ang enbelop. Naka 90 pa ako sa PE, kung saan di ako nagpapass ng mga project. Haha. Laking tawa ko.
So fast forward tayo. Sa madaling salita, di kami nagkita ng kaibigan ko at napadpad ako sa opis ng tatay ko. Sa mga di nakakaalam, eh manggagamot ang tatay ko... ng mga nalulungkot at nalulumbay. Hahaha joks lang. Urologist siya. Yung sa urinary tract at sa kidneys at siyempre, oo, dun din sa pagtutuli at sa pagihi ng isang pasyente. Okay tama na. Nagpunta akong EAMC, kung saan siya ang Chairman. Gutom na ako. (Kasi kung nabasa niyo yung entry bago eto eh makikita niyo kung bakit. Anak ng tinapang donut yan oh!) Nagorder kami ng pagkain. Ang sarap! Lechon, crispy pata, manggang hilaw, chaka chopseuy. Ang sarap! Pagkatapos non, meme na ako. Grabe, parang naempacho na ata ako. Buti din di ako nabangungot. Baka masabihang may Acute Respiratory Eklat Eklat Pancreatitis pa ako. Hahahaha nagimbento ng sakit eh noh. Pero anyway. Ayun nga.
Nagising ako mga labinglimang minuto bago mag alas cinco. Nagmadali na kaming umuwi ng tatay ko. Meteor Garden na kasi. Wag kayo magcocomment. Kras ko nang sobra si Dao Ming Xi. Natutuwa akong sabihin na napanood ko siya at kinilig na naman ako sa kagwapuhan niya. Ang tamis tamis niya kasi eh gusto ko nang halikan. Joke lang! Para kong sira.
Intermission: Ang ingay ng traysikel! Shet naman eh ala una na ng umaga!
So anyway. Ipagpatuloy ang kwento. Pag-uwi ko eh nagkompyuter na naman ako. Mahilig kasi ako magtrivia. Subukan niyo, nakakatuwa. Pampalipas oras ko yan eh. Wala na naman kasi akong magawa, kaya yun nalang. Nakachat ko nga pala yung pinakamamahal ko ngayong araw. Tawa nga kami nang tawa eh. Buo na yung araw ko.
Pero shet! May umaaligid na kakaibang creature habang kachat ko itong taong to. PU-TAK-TE! May flying ipis! Eto na siguro ang pinakakadiring creature na nakikita ko sa Pilipinas. Tapos eto pa ang catch. ANG LAKI! Nataranta tuloy ako! Sa sobrang kakatalon ko dito eh natapakan ko yung cord, tapos nawala yung koneksyon ko sa internet. Of all the damn bad luck! Kinuha ko yung Baygon sa baba, sabay spray ako sa lahat ng angulo. Grabe ang hirap pala mamatay ng flying ipis! Nung hindi na siya nakalipad eh victorious na sana ako... sabay lipad ulit! Manggugulat! Putang*na! Nagtakbo ang heart beat ko. Naku, spray na naman ako. Sa wakas, namatay siya.
Ang hirap ko nakakonek sa internet pagkatapos non. Grabe pala ang koneksyon sa internet, puno lagi kahit anong oras (na malamang eh mga taong pupunta lang sa mga channel na ang pangalan ay "#manhunt"). Ang konklusyon sa storya ay, natuloy ko ang usapan namin ng mahal ko (weeee). Nasurvive ko ang flying ipis at sakit ng tiyan sa lechon. The end!
I guess having lost my entire sidebar will not work for me, but it's no reason either to start anew. =)
I am Jik. I believe in miracles, and I believe in hope. I am not prude nor old-fashioned even though I believe that Love is very real and that it governs the world. I am not selfish even though I may be materialistic. I am not weak even though I sometimes crumble down to my knees. I am not poor even though I have very little in my bank account. I try to embody what courage is all about and I try to do everything in spontaneity. I invest a whole lot of passion in anything I do, and I am and always will be a dreamer. I admire people who uphold their beliefs in life, as I try to do so myself. I always strive for the perfection of character, and make myself into the person I want to become. I seek for the greater scheme of things, the tapestry of how everything falls into an exquisite, sublime plan. And my greatest fortune is having found the secret of my life. This I intend to share with all of you someday.
Makulit. Malikot. Mababaw. I'm thumbelina, sweetie, choknat, bitch, bastard, bruhilda, gaga, bubwit, baby, hoebag, dumbass, jiffy, jikinini, jikydoodles, gicgic, jikulit, jikywiky, jikaru, jikers, jikee, jikijik, jikjik, jik, jixie, jikita, jikita banana, jikitita, jikaboo, or what have you. I'm the Jik you know and ever will know.