$BlogRSDUrl$>
Per Ardua Ad AstraPutangina! Iba pala talaga halo ng gutom at ng isang usapang matino. Ngayong gabi, eh marami akong natutunan. Susubukan ko nalang pagkonektahin yung mga sasabihin ko, medyo kasi minsan eh lag na ang utak pag ganitong oras ng gabi.. este.. umaga. Ay oo nga pala. Hindi lahat ng blog entries eh na sa wikang Ingles. :)
Ngayong gabi eh sinubukan kong mag-isa at magmukmok sa aking pinakamamahal na kwarto. Dito kasi sa lungga ko eh tuwang tuwa ako dahil walang nakakaistorbo sa akin. Kaso nandoon pa rin ang katotohanan, na minsan talaga eh hindi ako nakakatagal na walang kausap.. so.. dinial ko ang namber ng isang matalik kong kaibigan.
Ayon, nagusap kami nang matagal. Ang sarap nga ng kwentuhan namin eh. Minsan pinagtatawanan namin yung mga nakaraan. Pero nagusap din kami nang seryosohan. Yung mga "pram di hart" daw ba. Ayun, ganun ka seryos. Hay. Pinagusapan namin kung bakit yung mga ibang tao eh parang ang baba ng tingin sa yo pag yung topic ng mga pinagsususulat mo eh pag-ibig. Eh paki ba nila anak ng ulupong naman oh! Eh sa kung ayon ang nasa katikatihang isulat ng mga daliri namin eh bakit ba! Napagusapan din naman namin, yung mga napagdaanan na namin. Yung mga alaalang iyon, hindi namin makakalimutan. Hindi ko makakalimutan. Kahit ba lumisan na ako papunta sa ibang bansa, eh isasaisip ko pa rin lahat ng mga nangyari sa amin. Changinang yan. Nakakamiss.
Nagusap kami nang matagal-tagal. Matagal-tagal nga na nakalimutan ko nang kumain ng hapunan. Nagdidiet na kasi ako, para sa debut ko eh hokay sa seksi sa holrayt na ako. O diba. Walang kokontra. So ayon. Kaso, natapos kami mga 12:30 na ng umaga. Grabe naman, kumukulo na yung tiyan ko.
Tinapos na namin ang usapan. Sabi ko, "Bitch, kakain muna kong donut. Di pa kasi ako kumakain eh. Matulog ka na, usap ulit tayo. Alabshu!" Sabi naman niya sa kin, "O sige bitch, usap ulit tayo bukas. Mahaba pa ang panahon. Isang yosi muna tapos tulog na." Ayos diba. Handang handa na kong kumain.
Naglalaway na ko sa ideyang nasa utak ko -- na makakain ko na yung frosted chocolate donut ko na kasama dun sa half a dozen na donuts na binili ko sa Ever nung isang araw. Lasap na lasap ko na talaga. Siguro ang nasabi ko nalang nung pagtingin ko sa kusina eh "Shet nasan na yung mga donut!?" Grabe, ngayon ko lang natutunan. Iba na talaga pag may bago kayong katulong. Grabe pati pagkain mo nakupppp napapakyaw! Hanep sa olrayt eh, talbog ako. Wala ng natira sa half a dozen donuts ko. Tangna! Half a dozen na nga eh wala pang ilang araw! Juskopoinay.
Para mawala ang pagkalungkot ko at di ko malalasap ang aking mga donut, eh naghanap ako ng kapalit. Sakto! May nakita akong kahon ng Pop Tarts na binili ko sa Tate. Para ngang tinatawag na niya ako, kainin ko na daw, siya daw ang aking tagapagligtas. Ayan, sobrang saya ko na........... hanggat pagkagat ko eh nakita ko nalang, na ang dami palang langgam!! Grabe, sabay luwa ako! Literal, pagbaba ko ng plastik eh nagsilabasan ang langgam! Ang saya nga naman. Ang swit ko daw, yes, napagtripan pa nila ako.
Bumaba ako ulit para iluwa yung nasa bibig kong Pop Tart na may mga langgam. Naghugas ako at nagmumug. Pagkatapos, tingin ako sa kaserola. Okay na sana eh. May ulam. Madaling initin, may kanin pang kasama. Pero anak ng tipaklong na naman. Sinigang. Okay na sana. Masarap. .... Pero ba naman kung apat na araw ng sinigang eh diba nakakasuya?! Grabe.
So in short ladies and gentlemen, nauwi ako sa pagkain ng mangga. Hindi ko maintindihan, kung maasim ba ito oh malamig lang kaya di ko malasahan. Siguro nga malamig lang noon at nangilo pa yung ngipin ko. Hokay na naman sa holrayt.
At least nasatisfy yung gutom ko. Okay eh noh, sa mangga. Okay din, winner, ala una ng umaga eh napamangga ako. Ayos lang, matino naman yung usapan namin ng matalik kong kaibigan eh. Kahit pala may langgam ka na sa bibig, di pala yun kukumpara sa isang matinong usapan. At maliit lang yung mga langgam, hindi mo naman talaga malasahan. Go gudnayt ebribadi. Magsisipilyo pa kong lubusan.
Mama Kath. Salamat. Mahal na mahal kita. Napasubo akong langgam, pero ayos lang. :)
I guess having lost my entire sidebar will not work for me, but it's no reason either to start anew. =)
I am Jik. I believe in miracles, and I believe in hope. I am not prude nor old-fashioned even though I believe that Love is very real and that it governs the world. I am not selfish even though I may be materialistic. I am not weak even though I sometimes crumble down to my knees. I am not poor even though I have very little in my bank account. I try to embody what courage is all about and I try to do everything in spontaneity. I invest a whole lot of passion in anything I do, and I am and always will be a dreamer. I admire people who uphold their beliefs in life, as I try to do so myself. I always strive for the perfection of character, and make myself into the person I want to become. I seek for the greater scheme of things, the tapestry of how everything falls into an exquisite, sublime plan. And my greatest fortune is having found the secret of my life. This I intend to share with all of you someday.
Makulit. Malikot. Mababaw. I'm thumbelina, sweetie, choknat, bitch, bastard, bruhilda, gaga, bubwit, baby, hoebag, dumbass, jiffy, jikinini, jikydoodles, gicgic, jikulit, jikywiky, jikaru, jikers, jikee, jikijik, jikjik, jik, jixie, jikita, jikita banana, jikitita, jikaboo, or what have you. I'm the Jik you know and ever will know.