$BlogRSDUrl$>
Per Ardua Ad AstraNakakainis. Ang sakit sakit pala ng pakiramdam ng nakakaalam ng mga bagay, lalo na kapag totoo. Pag totoo, mas masakit. Ang sama talaga ng pakiramdam nitong pagmimingaw. Wala ka ng takas, kundi luha. Suko na ako.
Bakit ang mga ibang tao hindi makaintindi? Magkukuwento ka lang ng mga nararamdaman mo, hindi ka man lang maintindihan. Hindi ba pwede maging magkaibigan ang dating magsintahan? Pwede naman diba? Pucha. Susumbatan ka pa. Sasabihin pa sarkastik ka. Kung ano ano pang pagbabaligtad ang gagawin sa mga saloobing naisip mo lang ikuwento sa kanya. Tangina, naglalabas lang ako ng nararamdaman kong lungkot sa iyo, ang iisang taong akala ko'y makakaintindi. Pero hindi pala. Nagkamali ako. Naiinis ako pag nagkakamali ako. Naiinis ako pag nagkakamali ako lalo na sa iyo kasi mahal kita.
At ikaw. Oo, ikaw. Ganun pala ang nararamdaman mo. Limang taon na, at ngayon ko lang talaga nalaman. Pero salamat, kaibigan, at sa wakas, sinabi mo rin sa akin. Yun lang ang hinihintay ko, matagal na. Oo, minahal kita dati. Pero dati yon. Ikinagagalak kong isipin na sa loob ng limang taon eh marami akong natutunan. Natuto akong pakawalan ka. Ginawa ko yon. Sana wag mo isipin na hanggang ngayon eh mahal pa kita, kasi hindi na. Tapos na tayo roon. Nakaraos na tayo roon. Ang sakit nung sinabi mo sa aking sinadya mo kong itaboy. Ang sakit pala nun. Ang sakit, nung sinabi mong hindi mo talaga nararamdaman na karapatdapat kang nakakakuha ng atensiyon katulad ng ibinibigay ko sa iyo. Noon inisip ko na ginagawa ko lang yon sa iyo kasi mahal talaga kita. Pero ngayon, nagbago na ang mga rason ko. Isa kang kaibigan. Limang taon na, andiyan ka pa rin. Yun lang ang rason, kaibigan. Mahal pa rin kita, mahal na mahal, pero bilang kaibigan. Ganun ka sa akin, hindi na hihigit pa. Nalulungkot akong isipin na ikaw ang nagyayang gawin mo akong pinakamatalik na kaibigan mo, tapos iiwan mo rin ako. Doon ako nasaktan nang tuluyan. Iniwan mo ako sa ere nang hindi ko nalalaman, hanggat naging sobrang tanga nalang ako, at napansin kong yun nga ang ginawa mo. Hindi mo man lang sinabi sa akin. Hindi mo sinabi, naramdaman ko nalang. Mas masakit pala pag ganon. Tapos ngayon inamin mo na ganon nga. Hindi na ako naiinis, kundi nagpapasalamat. Masakit, pero salamat. Hindi ko akalaing yun lang pala ang rason sa lahat ng taong itong hindi tayo nakapag-usap. Anak ng puta, dahil lang pala naramdamang mong sinasakal kita. Dapat sinabi mo nalang, para binitawan kita't pinag-isa. Ngayon alam ko na iyon. Papabayaan kita, kaibigan, sa ano mang landas mo nais pumunta. Papabayaan kita. Hindi na ako nagpumilit kitain kita. Hindi na. Nagkamali na ako don, hindi ko na uulitin. Sige, hanapin mo nalang ako pag kailangan mo ko. Sige, hanapin mo nalang ako pag naramdaman ng puso mong gawin iyon. Hindi kita pipilitin. Gusto ko ring hawakan ang iyong kamay. Gusto kitang yakapin nang matagal at hindi alisin ang tingin ko sa iyo, kahit sa loob lang ng tatlong oras. Hindi kita bibitawan sa piling ko. Sa limang taon na nakalipas, kaibigan gusto ko malaman mo, na andito pa rin ako. Pinakawalan ko yung pagmamahal ko sa iyo, kasi iyon ang dapat. Pero hindi ako mawawala. Hindi ako mawawala. Gaya ng sinabi ko sa iyo, malalaman mo naman, kung saan at kailan mo ako hahanapin. Magtatagpo rin tayo. Pinagdarasal kita, at pinagdarasal ko na mabalik ang pagkakaibigan nating nawalan ng ibig sabihin sa limang taong iyon. Unti-unting sinasagot ng Diyos ang dasal ko. Di na ako makakapagpasalamat pa. Mahal kita, kaibigan. Kaibigan.
I guess having lost my entire sidebar will not work for me, but it's no reason either to start anew. =)
I am Jik. I believe in miracles, and I believe in hope. I am not prude nor old-fashioned even though I believe that Love is very real and that it governs the world. I am not selfish even though I may be materialistic. I am not weak even though I sometimes crumble down to my knees. I am not poor even though I have very little in my bank account. I try to embody what courage is all about and I try to do everything in spontaneity. I invest a whole lot of passion in anything I do, and I am and always will be a dreamer. I admire people who uphold their beliefs in life, as I try to do so myself. I always strive for the perfection of character, and make myself into the person I want to become. I seek for the greater scheme of things, the tapestry of how everything falls into an exquisite, sublime plan. And my greatest fortune is having found the secret of my life. This I intend to share with all of you someday.
Makulit. Malikot. Mababaw. I'm thumbelina, sweetie, choknat, bitch, bastard, bruhilda, gaga, bubwit, baby, hoebag, dumbass, jiffy, jikinini, jikydoodles, gicgic, jikulit, jikywiky, jikaru, jikers, jikee, jikijik, jikjik, jik, jixie, jikita, jikita banana, jikitita, jikaboo, or what have you. I'm the Jik you know and ever will know.